KABANATA 7; SI SIMOUN
Ang pagtutuklas ngkatotohanan
I.BUOD
Nag punta si Basilio sa puntod ng kanyang ina na si Sisa at doon nag balik tanaw siya sa kanyang mapapait na karanasan sa buhay.Nang pabalik na sana si Basilio sa bayan, nagulat siya ng makarinig ng kaluskos at ang imahe ng isang taong naghuhukay.Nilapitan niya ito at inobserbahan, napagtanto niya na ang taong ito ay si Simoun, na nanghihina sa kanyang paghuhukay . Sa kanyang pag oobserba nagulantang siya sa kanyang natuklasan na si Simoun at si Ibarra ay iisa. Nilapitan niya ito at nanghandog ng tulong.Nabigla si Simoun ng nakita niya si Basilio sa kanyang harapan at dali-daling bumunot ng baril at tinutokan si Basilio.Nag gunita si Basilio kay Simoun na siya ang tumulong sa kanyang ina upang mailibing ito.Ngunit sinabi ni Simoun na kanyang papatayin si Basilio dahil baka siya ang makakasira sa kanyang planong paghihiganti.At kalaunay kinomperma niya nga siya nga si Ibarra, sinasalaysay ni Simuon na lumibot siya sa buong daigdig upang makapagyaman, at nagbalik para makapaghiganti.Nag usap sila tungkol sa pakakaroon ng paralaan na sumusulong na turuan ang mga pilipino ng wikang Kastila na di sinasang-ayonan ni Simoun dahil naniniwala siya na ang isang bayan ay may sariling wika na napapanatili ng kalayaan at ang wika ay isang pag-iisip ng bayan.
II. TAUHAN
a. Simoun - Ang taong nagpapanggap bilang isang mangaalahas ngunit sa totoong buhay siya si Crisostomo Ibarra na anak ni Don Rafael, Nagbalik upang maghiganti sa mga mapapait na karanasan na kanyang dinanas.
b. Basilio - Ang taong nasangkut sa di umanong pagnanakaw at ginawaran ng masama ng mga Kastila, at siya ang anak ni Sisa ,nagsumikap ng mabuti hanggang naging isang doktor.
III.SULIRANIN
Ang suliranin na makikita sa kabanatang ito ay ang pagtutuklas ng katotohanan na matagal nang nililihim ni Simoun na siya si Crisostomo Ibarra na akala ng iba ay napatay sa masadlak na pamamaraan. At ang pagtatayo ng paaralan para sa mga Pilipino upang matutunan ang lenguahe ng mga Kastila na mariin na binabawalan ni Simoun.
IV. ISYUNG PANLIPUNAN
a. Pag sakop ng sariling wika - Sa nabasang buod makikita mo na unti-unting kinukuha ng mga Kastila ang bansa, dahil maging ang wika na symbolismo ng kalayaan ay pinaplanong ibura sa isip ng mga bata.
b. Paghihiganti - Maraming mga taong lumalaban at naghihiganti sa ginawa sa kanila ng mga Kastila na labis nilang dinadamdam katulad ni Simoun at iba pa.
c. Pagpapanggap - sa Kabanatang ito makita mo ang pagtutuklas na lihim ni Simoun, na siya si Ibarra na labis ang puot ng kanyang puso.
V. GINTONG ARAL
Ang gintong aral na aking mapapahayag ay, Hindi lahat ng sikreto ay kayang mabaon sa limot, dadating din ang panahon na ito'y matutuklas at masisiulat ang katotohanan. At ang wikang ating pinaglakihan ay hinding-hindi magbabago kahit mamatay pa tayo dahil ito ay nakatatak na sa ating puso't isipan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento